Nakaka-surprise ang pagkuha ng GMA 7 at ABS-CBN 2 ng franchise ng sikat na reality TV shows na Survivor at Fear Factor, respectively.
Hindi mauubusan ng mapapagpilian ng lokasyon ang staff ang Survivor Philippines. Kung mala-Survivor: Amazon ang theme, nandyan ang Agusan Marsh; kung mala-Survivor: Pearl Islands na tipong tig-iisang island ang bawat tribe, nandyan ang Hundred Islands; kung mala-Survivor:Palau na may bakas ng WWII ang location, nandyan ang Corregidor; kung mala-Survivor:Vanuatu, nandyan ang Taal Volcano; o kung mala-Survivor:Exile Island, merong isang isla sa Hundred Islands na lumulubog pag-high tide. Pero kung kakaiba, nandyan ang Cordillera na upland ang theme featuring Igorot culture; sa bunganga ng Pinatubo featuring the Aetas; o mga tausugs sa Tawi-Tawi. Madami ding challenges Pinoy style na pwede sa Fear Factor Philippine edition. Hindi na syempre kasali sa food challenge ang balut dyan.
Kung hindi Philippine TV, ang tingin ng mga panatiko sa sinasambang shows ang magbabago.
Monday, April 21, 2008
Survivor at Fear Factor sa Philippine TV
Labels:
entertainment
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Yup. Philippines is indeed the best place for Survivor series. By the way, i would like to invite you to join in my blog's contest. Do visit my blog for more info...
Post a Comment