Kakatapos ko lang maidefend yung thesis ko tungkol sa paggamit ng TV commercials sa classroom as teaching aid nung pinalabas yung TV ad ng Jollibee. Fan ako ng TV ads, obviously. Wala akong mahanap na kopya sa Youtube, pero meron sa websayt ng Jollibee, kaya hindi ko ma-post dito. Anyway, isa yun sa pinaka-the best at personal favorites ko. Catchy, effective at educational.
One thing na gusto ko sa Filipino commercials, natural ang language na ginagamit.
Halimbawa, sa Jollibee commercial ni Aga:
*"Oorder, omoorder, omorder!"
"Lalanghapin, nilalanghap, nilanghap!"
"Idi-deep, dini-deep, dineep!"
"Kakagatin, kinakagat, kinagat! Aw!"
"Eenjoyin, ineenjoy, Chicken Joy!"
"Isa lang ang best-tasting friendchicken in the past, present, and we'll make sure, sa future, Pinaka Na, The Best Pa! Chicken Joy"
(Amoylicious, crispylicious, juicylicious, gravylicious)
"Hep hep hep! Babalik, bumabalik, bumalik!"
*Transcription ko ng jingle
Ang mga salitang tulad ng "oorder", "omoorder", "omorder", "idi-deep", "dini-deep", "dineep", "eenjoyin", "ineenjoy" (at "inenjoy") , palaging maririnig sa Pilipino pero iniiwasang gamitin sa pagsusulat dahil prinoproblema kung paano isusulat.
Pwedeng gamitin ang particular na TV ad na 'to sa grammar sa Filipino. Well, lahat naman ng commercials pwedeng magamit sa kahit saang subject, year level, whether sa pag-iintroduce o pag-eexplain ng leksyon. Makaka-catch agad ng attention, multi-sensory learning, kakaiba, bago.
Sunday, April 20, 2008
Pinaka na, the best pa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment