Sa ngayon, may 4 na distrito ang Camarines Sur. Base sa 2007 Census, 1,693,821 ang populasyon nito at eligible ng dalawa pang legislative districts.
Makikita sa picture ang present districts (itaas) at proposal ko sa reapportionment ng mga distrito ng probinsya (ibaba):
First District (blue) - kino-compose ng Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan (highlighted), Pamplona at Pasacao ang 1st District. Libmanan ang pinaka-centro nito na tinitirhan ng 31.67% ng 293,156 combined population ng distrito. Dati nang nasa 1st District o "River/Railroad District" ang mga nabanggit na munisipalidad.
Second District (yellow) - kino-compose ng mga munisipalidad na dati nang nasa 2nd District o "Central Bay": Calabanga (highlighted), Bombon, Magarao, Canaman at Camaligan, Cabusao (mula sa 1st District), at Siruma at Tinambac (3rd District). Calabanga ang magiging pinaka-centro nito na may populasyong 73,333 o 28.64% ng combined population ng district (256,031).
Malaki ang potensyal ng Libmanan at Calabanga na maging syudad ng probinsya sa loob ng ilang taon.
Third District (red) - umaabot na sa 160,516 ang populasyon ng Naga City (highlighted) o 59.23% ng 271,026, ang kabuuang populasyon ng posibleng distrito na binubuo ng syudad at mga kalapit na munisipalidad ng Milaor at Gainza na parte ng 2nd District, at Minalabac at San Fernando na parte ng 1st District.
Fourth District (green) - kahit na ilipat ang dalawang bayan ng kasalukuyang 3rd District o "Partido District" sa isang district, nasa 355,765 pa din ang combined population nito. Mananatiling pinaka-centro ng Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon at Sagñay ang Goa (highlighted) na may pinakamataas na populasyon sa 54,035 o halos 16% ng buong district.
Fifth District (blue) - Pili (highlighted), ang kapitolyo ng probinsya, ang isa pang bayan sa Camarines Sur na may malaking pontensyal na maging syudad. Ito ang magiging pinaka-centro ng isa pang madadagdag na distrito kabilang ang mga munisipalidad ng Ocampo (2nd District), Bula at Baao (parehong 4th District). Dito nakatira ang 76,496 o 33.15% ng 230,745 population ng magiging 5th District. Bubuuhin ang distritong ito ng mga munisipalidad na nasa gitnang bahagi ng Camarines Sur.
Sixth District (yellow) - ang Iriga City (highlighted), Buhi, Nabua, Balatan at Bato ng 4th District o "Rinconada District" ang magiging ikaanim na distrito ng probinsya. Nasa 314,580 ang combined population ng distrito kung saan 97,983 o 31.15% dito ang nasa syudad.
Maaaring ilipat ng district ang Balatan (25,982) kung hindi tatanggapin ang hindi umabot sa minimum required population ng Fifth District.
Medyo nahirapan ako sa paghati-hati para maka-create ng 6 districts dahil sa magkakaibang population at income class, at pag-consider ng road network ng municipalities.
Heto ang pagkakahati-hati ng populasyon ng Camarines Sur sa anim.
Thursday, April 24, 2008
Reapportionment ng mga distrito sa Camarines Sur
Labels:
bicolandia,
geography,
puros pulitika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment