Census nung 2007 ng blinog ni Willy ng Nagueño ang proposal nya sa pag-redistrict ng Camarines na eligible na ng 6 legislative districts base sa populasyon na 1,551,549 (2000 Census). Heto ang mapa ng original proposal nya bago. After na mabasa ang comment ko, heto ang ni-revise na proposal nya.
Sa 1987 Constitution Article VI, Sec. 5 (1-2) , sinasabing 250 ang maximum na numero ng district representatives hindi kabilang ang party-list representatives na 20% ng total number of district representatives (o maximum na 50 myembro). Ang requirements para sa isang legislative district: kailangang binubuo ng magkakalapit na teritoryo, at may minimum population na 250,000 [Sec. 5 (3-4)]. After ng ginawang census, may 3 years ang Congress na asikasuhin ang hati ng mga distrito.
Ni-release nung April 16 ang resulta ng 2007 Census at ang kwenta ni Isagani ng Skyscrapercity, posibleng umabot sa 313 kung estriktong susundin ang minimum na 250,000 population at kung hindi limitado sa 250 districts. Sa ngayon may 219 nang kongresman.
Wala pang balita sa pagdagdag ng distrito sa Camarines Sur unlike sa Pangasinan (6 plus 4), Nueva Ecija (4 plus 1), Iloilo (5 plus 1), Davao City (3 plus 2) at Cebu (6 plus 3). According kay Cebu Rep. Antonio Cuenco, very long process ito. "It involves filing the bill for the creation of an additional district and “massive” consultations with the officials and residents of the district" at may 3 years lang para gawin ito. Heto ang posibleng scenario ng pag-redistrict ng Cebu para kay Isagani.
Importante ang redistricting at apportionment ng congressional seats para may representasyon ang bawat mamamayan at mas nabibigyan ng attention ang needs sa bawat lugar. Para bagang mas maaasikaso ng magulang ang maliit na pamilya kumpara sa marami o malaki.
Thursday, April 24, 2008
KSP kay Kongresman
Labels:
puros pulitika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment