Tuesday, April 29, 2008

Magayon

Kung orágon ang description sa anghang ng sili at kredibilidad ng isang Bikolano, magayón naman ang para sa perpektong hugis ng Mayon Volcano at kagandahan ng isang dalagang Bikolana. Dito galing ang pangalan ng Mayon volcano, ang isa sa mga simbolo ng rehiyon, na nangangahulugan "maganda".

Ginanap nitong buwan ng April sa probinsya ng Albay ang Magayon Festival na nagtapos sa Festival of Festivals Showdown, isang regionwide street dancing competition ng iba't ibang festivals mula sa 6 probinsya at 6 syudad
sa Bicol.
Lapay Festival ng Masbate City ang nagchampion.

Pictures ni: marbleplaty

Monday, April 28, 2008

Vista Pinas: Iriga City

Philtranco Transport Heritage Museum



Makikita sa Iriga City ang museum ng Philtranco, dating ALATCO (Albert Louis Ammen Transportation Company), ang first at oldest bus company sa Pilipinas. Byaheng Iriga-Naga ang kauna-unahang rota nito nung July 1914.

Sunday, April 27, 2008

Vista Pinas: Camarines Sur

Vista Pinas ang isa sa mga blogs na regular kong binibisita. Finifeature dito ang iba't ibang Filipino sights gamit ang satellite images ng Google Maps. Although nung 2006 pa sinimulan ang blog na ito at madami na ding lugar na may high resolution sa Bicol, 3 pa lang ang naififeature ni Eugene: Cagsawa Ruins, Lignon hill at Albay Park and Wildlife, lahat sa probinsya ng Albay.

Inask ko sya na ifeature ang Lahuy Island, (ang akala ko, ito yung location ng French Survivor na Koh Lanta) at wiling naman sya. Heto ang ibang sights sa Bicol na pwedeng makadagdag sa koleksyon nya:

Gota Beach, Caramoan - location ng Survivor

Makikita sa picture ang beach sa Matukad Island (ang pinakamalaking isla sa mapa).

Our Lady of Peace sa Mt. Caglago, Caramoan



May 525 steps bago ka makarating sa shrine sa tuktok.

Sabah Claim at Pullout ng Malaysian peacekeepers sa Mindanao

Hindi nababanggit sa pending na Baseline Bill ang Sabah, ang isa pang teritoryong kini-claim ng Pilipinas. Ngayong Lunes, may ifa-file si Rep. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na alternative bill at resolution na nagre-revive sa claim ng Pilipinas sa Sabah. May kinalaman kaya ito sa pag-pullout ng Malaysia bilang parte ng International Monitoring Team (IMT) sa peace talks ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao? Ang pagiging impatient ng Malaysia, na may pinakamalaking contigent sa IMT, ang dahilan sa pag-alis ng unang batch ng Malaysian troops sa May at ng iba pa sa mga susunod buwan.

Good news ito sa China.

Friday, April 25, 2008

Maiimpluwensyang blogs ng 2008

May part 2 ang click na writing project ni Janette Toral nung 2007.

Napakaaga pa para makapili ng sampung blogs na magiging pinaka-maiimpluwensya ngayong 2008. Pero sa opinyon ko lang, ang kontrobersyal na blog na The NOT So Talented Mr. Montano? (dating The Talented Mr. Montano) na ngayon pa lang maimpluwensya na, ang nangunguna sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008.

1. The NOT So Talented Mr. Montano? ni Brian Gorrell

Maghahanap pa ako blogs na kukumpleto sa sampu.

Sa mga interesado, gawa kayo ng lista bago mag-July 26 at magkakaroon kayo ng chance na manalo ng $100 sa August 1. Yan kung may Paypal ka. Kung wala, pareho tayo. Haha



2. CARAMOAN PENINSULA: Philippine's Secret Paradise ni Myra Roces - Come South, CamSur. Paki-add neto sa list nyo kung di pa kompleto.

2nd part ng Bubble Gang sa CamSur

Wag nyong kalimutang panoodin ang 2nd part ng Bubble Gang sa Camarines Sur ngayong gabi sa GMA 7.

Enkaso na-miss nyo yung 1st part na pinalabas last week, heto ang links ng episode na yun:

Part 1 - Part 2 - Part 3
Part 4 - Part 5 - Part 6

Credits: Saint Karl para sa picture at Newsmaker11 para sa videos

Thursday, April 24, 2008

Reapportionment ng mga distrito sa Camarines Sur

Sa ngayon, may 4 na distrito ang Camarines Sur. Base sa 2007 Census, 1,693,821 ang populasyon nito at eligible ng dalawa pang legislative districts.

Makikita sa picture ang present districts (itaas) at proposal ko sa reapportionment ng mga distrito ng probinsya (ibaba):

First District (blue) - kino-compose ng Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan (highlighted), Pamplona at Pasacao ang 1st District. Libmanan ang pinaka-centro nito na tinitirhan ng 31.67% ng 293,156 combined population ng distrito. Dati nang nasa 1st District o "River/Railroad District" ang mga nabanggit na munisipalidad.

Second District (yellow) - kino-compose ng mga munisipalidad na dati nang nasa 2nd District o "Central Bay": Calabanga (highlighted), Bombon, Magarao, Canaman at Camaligan, Cabusao (mula sa 1st District), at Siruma at Tinambac (3rd District). Calabanga ang magiging pinaka-centro nito na may populasyong 73,333 o 28.64% ng combined population ng district (256,031).

Malaki ang potensyal ng Libmanan at Calabanga na maging syudad ng probinsya sa loob ng ilang taon.

Third District (red) - umaabot na sa 160,516 ang populasyon ng Naga City (highlighted) o 59.23% ng 271,026, ang kabuuang populasyon ng posibleng distrito na binubuo ng syudad at mga kalapit na munisipalidad ng Milaor at Gainza na parte ng 2nd District, at Minalabac at San Fernando na parte ng 1st District.

Fourth District (green) - kahit na ilipat ang dalawang bayan ng kasalukuyang 3rd District o "Partido District" sa isang district, nasa 355,765 pa din ang combined population nito. Mananatiling pinaka-centro ng Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon at Sagñay ang Goa (highlighted) na may pinakamataas na populasyon sa 54,035 o halos 16% ng buong district.

Fifth District (blue) - Pili (highlighted), ang kapitolyo ng probinsya, ang isa pang bayan sa Camarines Sur na may malaking pontensyal na maging syudad. Ito ang magiging pinaka-centro ng isa pang madadagdag na distrito kabilang ang mga munisipalidad ng Ocampo (2nd District), Bula at Baao (parehong 4th District). Dito nakatira ang 76,496 o 33.15% ng 230,745 population ng magiging 5th District. Bubuuhin ang distritong ito ng mga munisipalidad na nasa gitnang bahagi ng Camarines Sur.

Sixth District (yellow) - ang Iriga City (highlighted), Buhi, Nabua, Balatan at Bato ng 4th District o "Rinconada District" ang magiging ikaanim na distrito ng probinsya. Nasa 314,580 ang combined population ng distrito kung saan 97,983 o 31.15% dito ang nasa syudad.

Maaaring ilipat ng district ang Balatan (25,982) kung hindi tatanggapin ang hindi umabot sa minimum required population ng Fifth District.

Medyo nahirapan ako sa paghati-hati para maka-create ng 6 districts dahil sa magkakaibang population at income class, at pag-consider ng road network ng municipalities.

Heto ang pagkakahati-hati ng populasyon ng Camarines Sur sa anim.

KSP kay Kongresman

Census nung 2007 ng blinog ni Willy ng Nagueño ang proposal nya sa pag-redistrict ng Camarines na eligible na ng 6 legislative districts base sa populasyon na 1,551,549 (2000 Census). Heto ang mapa ng original proposal nya bago. After na mabasa ang comment ko, heto ang ni-revise na proposal nya.

Sa 1987 Constitution Article VI, Sec. 5 (1-2) , sinasabing 250 ang maximum na numero ng district representatives hindi kabilang ang party-list representatives na 20% ng total number of district representatives (o maximum na 50 myembro). Ang requirements para sa isang legislative district: kailangang binubuo ng magkakalapit na teritoryo, at may minimum population na 250,000 [Sec. 5 (3-4)]. After ng ginawang census, may 3 years ang Congress na asikasuhin ang hati ng mga distrito.

Ni-release nung April 16 ang resulta ng 2007 Census at ang kwenta ni Isagani ng Skyscrapercity, posibleng umabot sa 313 kung estriktong susundin ang minimum na 250,000 population at kung hindi limitado sa 250 districts. Sa ngayon may 219 nang kongresman.

Wala pang balita sa pagdagdag ng distrito sa Camarines Sur unlike sa Pangasinan (6 plus 4), Nueva Ecija (4 plus 1), Iloilo (5 plus 1), Davao City (3 plus 2) at Cebu (6 plus 3). According kay Cebu Rep. Antonio Cuenco, very long process ito. "It involves filing the bill for the creation of an additional district and “massive” consultations with the officials and residents of the district" at may 3 years lang para gawin ito. Heto ang posibleng scenario ng pag-redistrict ng Cebu para kay Isagani.

Importante ang redistricting at apportionment ng congressional seats para may representasyon ang bawat mamamayan at mas nabibigyan ng attention ang needs sa bawat lugar. Para bagang mas maaasikaso ng magulang ang maliit na pamilya kumpara sa marami o malaki.

Wednesday, April 23, 2008

Vietnamese blogger, arestado!

According sa Bangkok Post, isang blogistang Vietnamese ang arestado sa kasong tax evasion. Myembro ang nasabing blogista ng Union of Independent Journalists, isang grupo ng bloggers na nagproprotesta sa Beijing Olympics torch relay at pag-claim ng China sa Spratlys at Paracel Islands na parehong kini-claim ng dalawa.

Makalbuluhang sakripisyo at kawawang-gawa

Isang sakripisyo ang pinagawa sa 7 male teen housemates para sa isang kawang-gawa, free circumcision sa 100 boys. Ang pagkukumbinsi ni Kevin sa tulong ng tatay na si John na baguhin ang hairstyle ng mga lalaki, plan B ni Big Brother sa hindi pagkagat ng Spanish teen housemate sa alok na magpatuli (o front lang kaya ang pagbigay ng libreng mutilation este circumcision para sa ratings). Ilang weeks na ang nakakaraan nang gawin sa loob ang circumcision kay Alex, isang half-Italian at libreng tuli sa mahigit 100 binatilyo at binata.

Kung gaano ka-priceless ang reaksyon ng 6 sa resulta ng gupitan ganun din ang reaksyon nila ng i-reveal ni Big Brother kung para saan ang sakripisyo nila.

Ang bottomline, totoo nga bang may rice shortage sa Pilipinas, Kuya?

Hindi worth it ang sacrifice. Hindi worth it ang cause.

Monday, April 21, 2008

Survivor at Fear Factor sa Philippine TV

Nakaka-surprise ang pagkuha ng GMA 7 at ABS-CBN 2 ng franchise ng sikat na reality TV shows na Survivor at Fear Factor, respectively.

Hindi mauubusan ng mapapagpilian ng lokasyon ang staff ang Survivor Philippines. Kung mala-Survivor: Amazon ang theme, nandyan ang Agusan Marsh; kung mala-Survivor: Pearl Islands na tipong tig-iisang island ang bawat tribe, nandyan ang Hundred Islands; kung mala-Survivor:Palau na may bakas ng WWII ang location, nandyan ang Corregidor; kung mala-Survivor:Vanuatu, nandyan ang Taal Volcano; o kung mala-Survivor:Exile Island, merong isang isla sa Hundred Islands na lumulubog pag-high tide. Pero kung kakaiba, nandyan ang Cordillera na upland ang theme featuring Igorot culture; sa bunganga ng Pinatubo featuring the Aetas; o mga tausugs sa Tawi-Tawi. Madami ding challenges Pinoy style na pwede sa Fear Factor Philippine edition. Hindi na syempre kasali sa food challenge ang balut dyan.

Kung hindi Philippine TV, ang tingin ng mga panatiko sa sinasambang shows ang magbabago.

Ed Panlilio, is that you?

Ito si Fernando Lugo, isang dating Katolikong obispo, ang bagong presidente ng Paraguay.

Mukhang mai-inspire nito si Ed Panlilio na i-try ang pinakamataas na posisyon sa Pilipinas. O baka si Bro. Eddie Villanueva.

Tulad nina father Ed at brother Eddie, nag-resign muna si Lugo bago pumasok sa mundo ng pulitika. Pero mukhang mas malakas sa itaas itong si bishop. Tinalo nya ang pambato ng partidong 6 decades nang nagru-rule sa Paraguay.

Sunday, April 20, 2008

Link love from Filipinayzd now at Blogger

Oo nga naman. Dapat malaman ng fellow blogistas na nagbabalik ang "...Bicolano, Filipino, frustrated writer, reality TV fanatik, may sariling mundo, hindi umaaprisyieyt ng mga kompliment at papuri...", mula sa ilang buwang blog leave through link love!

Agent Xmoimoi Beth Allen II Anything Goes Blogmeister Culture Shiok! Fighting Gravity Force Analytics From Dallas to Manila Have To Do This! Ugh! I Am Sam Jay Bubwit Jehzlau Concepts Digital Filipino Kabayan Junction Kegler 747 Make Money Online with a 13-Year Old Me Myself and Cha No Buff No Heal OFW Layf Blog PaintSketch Shamanism Silkenhut's World Sweet Avenger The Broken Bow The Busy Indolent The Walking Tower Windows Mobile C5 Rexted Aileen Apolo Radueriel Leyteño Em Dy Stephanie Caragos Zubli Zainordin Ryan Shamus Ja Kel Daily Hoop Chris Damsel_SEO Andoy ChrisH Manuel Viloria Blogie BetShopBoy JonathanPhillips SorrenGaliza thegrapebunch lateralus this eclectic life Dennis Rito ww-success Shari pusa David Ledoux Happy Lizzette Webbyman Juned BigBad Tina4Life Mira Lei Sagun Samprasita GM Tristan Dabawenya Tina DeSquallie Avy Manila Mom Prudence Ades Blog carlocab webmasterworld nostalgiamanila grumpyurbanslacker angdabawenyo igorotblogger aethen ice9web jemme m2factorial toyomansi photowander antonisat emailedtome exskindiver ofwlayf juniorandme. fruityoaty female-gamer filipinasoul dyoselin cultureshiok bryanboy tedsfifthworld arbetloggins femalenetwork ederic.tinig.com mayenskie fighting-gravity awbholdings bikoy.net aileenapolo olympicblogger aaronroselo blog.guykawasaki myextradirtymind manuelviloria quezon.ph angloloniyo max.limpag misteryosa callcenterhopper loidadevera kiluahtech.webmo mgalaagan jaypeeonline artsyfartsy-me parisukat pinoytechblog adventuresofalionheart selaplana silkenhut philippineblogawards thecitylifestylist jhed awbholdings houseonahill tinysigns utakgago welysabalilag yugatech 365 nirmaltv acowboyswife askreamaor bethallenii journal.cyberpartygal bobbarama brainybimbo dailyfilmdose eastcoastlife softhub mycrapsheet iphonejtag hastalosgatos humabpost. idiotbrain lifeinthefastlane mashable wackymom nazmieski pointless-drivel postsecret evnucci ryanshamus storyblob techtreak therisingblogger wulffmorgenthaler scobleizer aceswebworld billiardpulse poolassassin evilwoobie sjkmanalo bang-sweetbites Fjordan Allego the philosophical bastard Noemi Agent Grey Cliff Johnny Ross Blogbastic Peachy Joan Pinon theprizeblog problogger wolf-howl performancing jensense johnchow clickz kegler747tutubipatrol triptayo ourawesomeplanet sidetrip iloiloonfoot

Pinaka na, the best pa

Kakatapos ko lang maidefend yung thesis ko tungkol sa paggamit ng TV commercials sa classroom as teaching aid nung pinalabas yung TV ad ng Jollibee. Fan ako ng TV ads, obviously. Wala akong mahanap na kopya sa Youtube, pero meron sa websayt ng Jollibee, kaya hindi ko ma-post dito. Anyway, isa yun sa pinaka-the best at personal favorites ko. Catchy, effective at educational.

One thing na gusto ko sa Filipino commercials, natural ang language na ginagamit.

Halimbawa, sa Jollibee commercial ni Aga:
*"Oorder, omoorder, omorder!"
"Lalanghapin, nilalanghap, nilanghap!"
"Idi-deep, dini-deep, dineep!"
"Kakagatin, kinakagat, kinagat! Aw!"

"Eenjoyin, ineenjoy, Chicken Joy!"
"Isa lang ang best-tasting friendchicken in the past, present, and we'll make sure, sa future, Pinaka Na, The Best Pa! Chicken Joy"

(Amoylicious, crispylicious, juicylicious, gravylicious)

"Hep hep hep! Babalik, bumabalik, bumalik!"

*Transcription ko ng jingle

Ang mga salitang tulad ng "oorder", "omoorder", "omorder", "idi-deep", "dini-deep", "dineep", "eenjoyin", "ineenjoy" (at "inenjoy") , palaging maririnig sa Pilipino pero iniiwasang gamitin sa pagsusulat dahil prinoproblema kung paano isusulat.

Pwedeng gamitin ang particular na TV ad na 'to sa grammar sa Filipino. Well, lahat naman ng commercials pwedeng magamit sa kahit saang subject, year level, whether sa pag-iintroduce o pag-eexplain ng leksyon. Makaka-catch agad ng attention, multi-sensory learning, kakaiba, bago.

Balik-blogging

Matagal-tagal din akong nawala sa blogosphere. Nagbisi-bisihan. Madami na din ang na-miss ko kahit na nagbabasa pa din ako ng blogs paminsan-minsan. Pero iba pa din yung ikaw mismo yung nagsusulat at binabasa.

Pinoy Blogs

planet naga nagueño caramoan paradise bicol blogger ryan yarn bikol translator tagalog-sugbuanon translator filipino translator quackroom makuapo ni handiong hagbayon reyna elena ugat vista pinas cute agent xmoimoi beth allen II anything goes blogmeister culture shiok! fighting gravity force analytics from dallas to manila have to do this! ugh! i am sam jay bubwit jehzlau concepts digital filipino kabayan junction kegler 747 make money online with a 13-year old me myself and cha no buff no heal ofw layf blog paintsketch shamanism silkenhut's world sweet avenger the broken bow the busy indolent the walking tower windows mobile c5 rexted aileen apolo radueriel leyteño em dy stephanie caragos zubli zainordin ryan shamus ja kel daily hoop chris damsel seo andoy chrish manuel viloria blogie betshopboy jonathan phillipssorren galiza thegrapebunch lateralus this eclectic life dennis rito ww-success shari pusa david ledoux happy lizzette webbyman juned bigbad tina4life mira lei sagun samprasita gm tristan dabawenya tina deSquallie avy manila mom prudence ades blog carlocab webmasterworld nostalgiamanila grumpyurbanslacker angdabawenyo igorotblogger aethen ice9web jemme m2factorial toyomansi photowander antonisat emailedtome exskindiver ofwlayf juniorandme. fruityoaty female-gamer filipinasoul dyoselin cultureshiok bryanboy tedsfifthworld arbetloggins femalenetwork ederic.tinig.com mayenskie fighting-gravity awbholdings bikoy.net aileenapolo olympicblogger aaronroselo blog.guykawasaki myextradirtymind manuelviloria quezon.ph angloloniyo max.limpag misteryosa callcenterhopper loidadevera kiluahtech.webmo mgalaagan jaypeeonline artsyfartsy-meparisukatpinoytechblogadventuresofalionheart selaplana silkenhut philippineblogawards thecitylifestylist jhed awbholdings houseonahill tinysigns utakgago welysabalilag yugatech 365 nirmaltv acowboyswife askreamaor bethallenii journal.cyberpartygal bobbarama brainybimbo dailyfilmdose eastcoastlife softhub mycrapsheet iphonejtag hastalosgatos humabpost. idiotbrain lifeinthefastlane mashable wackymom nazmieski pointless-drivelpostsecretevnucci ryanshamus storyblob techtreak therisingblogger wulffmorgenthaler scobleizer aceswebworld billiardpulse poolassassin evilwoobiesjkmanalo bang-sweetbites fjordan allego the philosophical bastard noemi agent grey liff johnny ross blogbastic peachy joanpinon theprizeblog problogger wolf-howl performancing jensense johnchow clickz kegler747 tutubipatrol triptayoourawesomeplanetsidetrip iloiloonfoot
Proudly Pinoy Bicol Blog Community