Malaki-laki na din seguro ang nagagastos ng provincial government ng Camarines Sur sa pagmarket ng Caramoan. Dalawang beses nang lumalabas sa frontpage ng Inquirer ang letrato ng isa sa mga isla sa Caramoan, nung April 24 at ngayon.
Ang Caramoan kasi ang pangalawa sa pet projects ni governor L-Ray Villafuerte na puro panturismo. Una ang Camarines Sur Water Sports Complex o CWC sa Pili sa 2nd District, at sunod sa Caramoan na nasa 3rd District, ang Lake Buhi na kilala bilang home of the world's smallest edible fish na sinarapan (Mistichthys luzonensis) sa Buhi sa 4th District.
Kasama sa pagdevelop ng lugar ang paglagay ng airstrip sa peninsula. May plano din si 1st District Congressman Dato Arroyo na maglagay ng international airport sa kanyang distrito, sa Libmanan.
Thursday, May 8, 2008
Frontpage
Labels:
bicolandia,
media
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment