Kada May 28 hanggang June 12, ino-observe sa Pilipinas ang National Flag Days base sa Sec. 25 ng RA 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines. Sa mga araw na ito nire-require ang pagsasabit ng bandilang Pilipino ng government offices at business establishments.
Simula nung unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas nung 1898 hanggang ngayon, ilang beses na ding nagbago ang hitsura nito. Narito ang evolution ng bandila ng Pilipinas:
- Tulad nito ang bandilang itinaas sa Cavite ni Emilio Aguinaldo nung June 12, 1898. Ginamit ito nang 9 buwan, hanggang March 23, 1901. (Ito din ang ginamit nung October 14, 1943 hanggang August 17, 1945 nung panahong ng mga Hapon ng puppet government.)
- Sinimplify ito tulad nito na ginamit simula 1919 hanggang 1981. (Ito din ang ginamit matapos ang EDSA Revolution hanggang February 1998)
- Simula 1981 hanggang 1986, panahon ni Marcos, ganitong bandila naman ang ginagamit.
- Dahil sa iba-ibang shades ng kulay na ginagamit sa bandila lalo na ang blue, sa Sec. 28 ng RA 8491 na inapprove nung February 12, 1998, inispecify na ito. Ganito ang colors na dapat na gamitin sa bandila: Cable No. 80173 para sa blue, Cable No. 80001 para sa white, Cable No. 80108 para sa red; at para sa golden yellow, Cable No. 80068.
Sa elementary, maski sa hayskul, tinuturo ang "Evolution of the Philippine Flag". Flags of the Philippine Revolution seguro ang tamang tawag dito.
No comments:
Post a Comment