Thursday, May 29, 2008

Google Earth Update: Bicol (5)

Wehehe. Mali ang theory ko na kada 7 months nag-uupdate ang Google Earth.

Last night, habang nagmamark ng mga lugar sa Wikimapia nakita ko na lang na may nadagdag na naman sa mga high resolution na lugar.

Yung may red marks sa mapa ang pinakabago samantalang yellow yung pinaka-una.

Ang Catanduanes na dati wala, clear na ang Virac at western portion ng isla.

Halos buong probinsya ng Albay din. Western portion na lang ng Oas, Ligao City at Pio Duran, at mga isla ng Cagraray, Batan at Rapu-Rapu. Makikita na din ng malapitan ang bunganga ng Mayon!

Pwede na ding ma-view ang Masbate City at pinaka-south ng Ticao Island sa Masbate.

Sa Camarines Sur, parte na dinadaanan ng Bicol River at Buhi.

Walang bago sa Camarines Norte at Sorsogon.

Ito na ang panlimang post ko para sa update ng Google Earth sa Bicolandia.

Wednesday, May 28, 2008

Evolution ng Bandila

Kada May 28 hanggang June 12, ino-observe sa Pilipinas ang National Flag Days base sa Sec. 25 ng RA 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines. Sa mga araw na ito nire-require ang pagsasabit ng bandilang Pilipino ng government offices at business establishments.

Simula nung unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas nung 1898 hanggang ngayon, ilang beses na ding nagbago ang hitsura nito. Narito ang evolution ng bandila ng Pilipinas:

  • Tulad nito ang bandilang itinaas sa Cavite ni Emilio Aguinaldo nung June 12, 1898. Ginamit ito nang 9 buwan, hanggang March 23, 1901. (Ito din ang ginamit nung October 14, 1943 hanggang August 17, 1945 nung panahong ng mga Hapon ng puppet government.)

  • Sinimplify ito tulad nito na ginamit simula 1919 hanggang 1981. (Ito din ang ginamit matapos ang EDSA Revolution hanggang February 1998)

  • Simula 1981 hanggang 1986, panahon ni Marcos, ganitong bandila naman ang ginagamit.

  • Dahil sa iba-ibang shades ng kulay na ginagamit sa bandila lalo na ang blue, sa Sec. 28 ng RA 8491 na inapprove nung February 12, 1998, inispecify na ito. Ganito ang colors na dapat na gamitin sa bandila: Cable No. 80173 para sa blue, Cable No. 80001 para sa white, Cable No. 80108 para sa red; at para sa golden yellow, Cable No. 80068.

Sa elementary, maski sa hayskul, tinuturo ang "Evolution of the Philippine Flag". Flags of the Philippine Revolution seguro ang tamang tawag dito.

Saturday, May 24, 2008

Vista Pinas: Masbate

Katandayagan Falls



Merong kakaibang falls na matatagpuan sa isla ng Ticao, Masbate, ang Katandayagan Falls. Unique ito dahil direktang bumabagsak sa dagat (Masbate Pass) mula sa isang cliff.

Dalawang-oras na byahe galing sa Donsol port o 1.5 oras sa Bulan port ang layo ng San Jacinto, Masbate kung saan makikita ang falls.

Hindi kalayuan sa falls ang 3-hektaryang isla ng Burabangkaso.

Burabangkaso Island

Wednesday, May 14, 2008

Top 10 Civil Engineer Board Examinees

A total of 1,094 out of 2,985 passed the Civil Engineer Licensure Examination given by the Board of Civil Engineering in the cities of Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo and Legazpi this month, the Professional Regulation Commission (PRC) announced Tuesday.

The successful examinees who garnered the ten (10) highest places are the following:
1. Jency Borromeo Lim, University Of San Carlos -- 97.00
2. Richard Grumez Naragas, University Of Mindanao-Davao City -- 95.25
3. Jaypee Abellanosa Lapiz, Central Mindanao University -- 94.20
Francis Ortanez Macatingrao, University Of Nueva Caceres -- 94.20
4. Melvin Gutierrez Singayan, Polytechnic University Of The Philippines-Main-Sta. Mesa, Manila -- 93.15
5. Bernard Zerna Duran, Negros Oriental State University (CVPC)-Dumaguete -- 93.00
6. Jennyl Resuello Estil, University of the Philippines-Los Baños -- 92.95
7. Andra Charis Sehob Mijares, University of the Philippines-Diliman -- 92.25
8. Daniel Bernardo Bangit, FEU-East Asia College -- 92.10
Erick Christian Villanueva Cruz, University Of The Philippines-Diliman -- 92.10
9. Ailyn Marcial Abrea, La Salle University–Ozamiz City -- 91.95
Romeo Jr Juanite Mata, Father Saturnino Urios University (Urios Coll) -- 91.95
10. Carlos Alfonso Ventura Fabie, De La Salle University-Manila -- 91.75

Nandito ang kompletong listahan ng mga pumasa. Congratulations!

Tuesday, May 13, 2008

Google Earth Update: Bicol

Kada 7 months seguro ang pag-update ng Google Earth. March 2007 nung 3 lugar ang naging high resolution: Del Gallego at Iriga City-Nabua, Camarines Sur, at Tabaco City-Malilipot, Albay sa Bicol. Pagdating ng October, nadagdag ang Mercedes at Calagua Islands, Camarines Norte; Caramoan, Presentacion at Lagonoy Gulf (?!), Camarines Sur; Bacacay at Manito, Albay; Castilla, Sorsogon City at Sorsogon Bay (?!), Sorsogon; San Pascual, San Fernando-Batuan, Dimasalang-Palanas, Burias Pass (?!) at Ticao Pass (?!), Masbate. Eksaktong 7 months since nung last update maraming lugar na-update!

  • Camarines Norte: Capalonga-Jose Panganiban, at Vinzons
  • Camarines Sur: Libmanan, Naga City-Calabanga, Tinambac, parte ng Lagonoy at Caramoan
  • Albay: Libon, Guinobatan-Camalig, Jovellar, Tiwi, at parte ng Manito
  • Sorsogon: Donsol-Pilar
  • Masbate: Monreal-San Jacinto, Cawayan, at parte ng Palanas-Cataingan
  • Catanduanes: wala pa din

Wait nyo na lang sa December kung low resolution pa ang lugar nyo!

Thursday, May 8, 2008

Mga Bikolana, Top Kumadrona

Siyam sa doseng topnotchers sa Midwife Licensure Examination, mga Bikolana!

  1. Maria Sophia Francesca Dimacali Cruz, Our Lady of Fatima College-QC, 90.05
  2. Julie Ann Leheup, Bicol University-Legazpi, 89.80
  3. Michelle Dela Torre Ardales, Bicol University-Legazpi, 89.35
  4. Ma. Christabel Lucero Dualan, St. Joseph College-Amaya, Inc., 88.95
  5. Clarebel De Lima Borbe, Camarines Sur Polytechnic Colleges, 88.65
  6. Gerald Bongalos Soriano, University of Saint Anthony, 88.20
  7. Sheryllene Baliwas Almeda, Bicol University-Tabaco, 88.05
  8. Donna May Sison Fronda, Saint Joseph College-Cavite City, 88.00
  9. Frances Marie Luna Lotivio, Bicol University-Legazpi; Jamaica Magistrado Verdeflor, Camarines Sur Polytechnic Colleges; Emmie Aslor Villamer, Universidad De Santa Isabel, 87.95
  10. Twinkle Jean Eridiano Pulmano, Bicol University-Legazpi, 87.85

Para sa kompletong lista ng mga pumasa, punta na dito. Para sa iba pang mga resulta, meron sa PRC Board Exam Results.

Frontpage

Malaki-laki na din seguro ang nagagastos ng provincial government ng Camarines Sur sa pagmarket ng Caramoan. Dalawang beses nang lumalabas sa frontpage ng Inquirer ang letrato ng isa sa mga isla sa Caramoan, nung April 24 at ngayon.

Ang Caramoan kasi ang pangalawa sa pet projects ni governor L-Ray Villafuerte na puro panturismo. Una ang Camarines Sur Water Sports Complex o CWC sa Pili sa 2nd District, at sunod sa Caramoan na nasa 3rd District, ang Lake Buhi na kilala bilang home of the world's smallest edible fish na sinarapan (Mistichthys luzonensis) sa Buhi sa 4th District.

Kasama sa pagdevelop ng lugar ang paglagay ng airstrip sa peninsula. May plano din si 1st District Congressman Dato Arroyo na maglagay ng international airport sa kanyang distrito, sa Libmanan.

Saturday, May 3, 2008

First Philippine Wikipedia Virtual Meetup

Ano: First Philippine Wikipedia Virtual Meetup
Scope: Nationwide kasama ang ilang na nasa ibang bansa
Sino: lahat ng Wikipedistang Pinoy
Platform
: Yahoo Messenger
Paano: iiinvite ka ng isa sa mga users ng PhilWiki Yahoo group para makasali sa conference; pwede mong kontakin si Exec8 at ibigay ang Yahoo ID mo
Oras: 7:55 PM (oras sa Pilipinas) ngayong May 3, 2008 hanggang 1:00 AM ng May 4, 2008

Salamat Sky Harbor sa pag-inform.

Temporary Maintenance: Bwisit

Naranasan nyo na bang mataymingan ng scheduled maintenance ng Friendster habang nasa isang internet café na tipong maglo-logout ka na lang tapos ang makikita mo sa screen...







Temporary Maintenance

Thank you for visiting Friendster. While our goal is to give you
24-hour access to Friendster, from time to time, we need to do maintenance to
ensure you have the best possible experience. We will be back online
shortly.


Bwisit! Hindi mo naman basta-basta iiwan yung account mo at baka pakialaman ng susunod na gagamit. Mabuti kung may time ka para hintaying bumalik ang serbisyo ng Friendster o kung may budget ka pa para mag-extend ng rental. Pano kung wala? Wiling mo bang isakripisyo o ipakipagsapalaran ang pinakamamahal mong account?

Friday, May 2, 2008

2009 mini-SEA Games

For the first time maghohost ng SEA Games ang Laos sa December 2009. Kumpara last year, halos kalahati lang ng bilang ng events ang pwedeng paglabanan next year. Dahil ito sa sitwasyon ng host country na bukod sa kulang sa facilities, wala ding pagdadausan ng ilang events tulad ng sailing, windsurfing at triathlon dahil sa pagiging landlocked. Ang masaklap pa, Olympic events at/o events na malakas ang Team RP ang tatanggalin kabilang ang basketball (men at women), billiards, cycling, archery, rowing, chess, fencing, dancesports at bowling. Ito ang prinobroblema ng PSO.

Ironically, ang Vientiane Games ang 25th edition at pumapatak sa 50th year ng Games. Nag-eexpect ang maraming sumusubaybay ng Games ng en grande at makulay na selebrasyon.

Galing sa Wikipedia ang picture.

Pinoy Blogs

planet naga nagueño caramoan paradise bicol blogger ryan yarn bikol translator tagalog-sugbuanon translator filipino translator quackroom makuapo ni handiong hagbayon reyna elena ugat vista pinas cute agent xmoimoi beth allen II anything goes blogmeister culture shiok! fighting gravity force analytics from dallas to manila have to do this! ugh! i am sam jay bubwit jehzlau concepts digital filipino kabayan junction kegler 747 make money online with a 13-year old me myself and cha no buff no heal ofw layf blog paintsketch shamanism silkenhut's world sweet avenger the broken bow the busy indolent the walking tower windows mobile c5 rexted aileen apolo radueriel leyteño em dy stephanie caragos zubli zainordin ryan shamus ja kel daily hoop chris damsel seo andoy chrish manuel viloria blogie betshopboy jonathan phillipssorren galiza thegrapebunch lateralus this eclectic life dennis rito ww-success shari pusa david ledoux happy lizzette webbyman juned bigbad tina4life mira lei sagun samprasita gm tristan dabawenya tina deSquallie avy manila mom prudence ades blog carlocab webmasterworld nostalgiamanila grumpyurbanslacker angdabawenyo igorotblogger aethen ice9web jemme m2factorial toyomansi photowander antonisat emailedtome exskindiver ofwlayf juniorandme. fruityoaty female-gamer filipinasoul dyoselin cultureshiok bryanboy tedsfifthworld arbetloggins femalenetwork ederic.tinig.com mayenskie fighting-gravity awbholdings bikoy.net aileenapolo olympicblogger aaronroselo blog.guykawasaki myextradirtymind manuelviloria quezon.ph angloloniyo max.limpag misteryosa callcenterhopper loidadevera kiluahtech.webmo mgalaagan jaypeeonline artsyfartsy-meparisukatpinoytechblogadventuresofalionheart selaplana silkenhut philippineblogawards thecitylifestylist jhed awbholdings houseonahill tinysigns utakgago welysabalilag yugatech 365 nirmaltv acowboyswife askreamaor bethallenii journal.cyberpartygal bobbarama brainybimbo dailyfilmdose eastcoastlife softhub mycrapsheet iphonejtag hastalosgatos humabpost. idiotbrain lifeinthefastlane mashable wackymom nazmieski pointless-drivelpostsecretevnucci ryanshamus storyblob techtreak therisingblogger wulffmorgenthaler scobleizer aceswebworld billiardpulse poolassassin evilwoobiesjkmanalo bang-sweetbites fjordan allego the philosophical bastard noemi agent grey liff johnny ross blogbastic peachy joanpinon theprizeblog problogger wolf-howl performancing jensense johnchow clickz kegler747 tutubipatrol triptayoourawesomeplanetsidetrip iloiloonfoot
Proudly Pinoy Bicol Blog Community