Pagbaha ang kinokonsider na isa sa mga pangunahing hadlang sa debelopment ng Bicol region. Maraming mga munisipalidad ang lumulubog, properties ang nadadamage, mga pananim ang nabubulok, at mga buhay ang nabubuwis sa pag-overflow ng ilog.
Para masolusyunan ang problema, nung 1970s crineate ang Bicol River Basin Development Project (BRBDP) na may pondong P1.5 bilyon mula sa USAID. Kumonstruct ng cut-off channels sa Canaman at Gainza, Camarines Sur para mapabilis ang pagbuhos ng baha palabas sa San Miguel bay. Pinakialaman ang natural na daloy ng ilog. Pazigzag-zigzag kasi ang course ng Bicol river kaya mabagal ang paglabas ng tubig. Matapos ang proyekto nung 1980s, malaki ang naging epekto nito: ang pagkaka-isolate ng ilang barangay dahil sa pagkaka-create ng islets sa ilog, pagpasok ng tubig dagat sa mga palayan, erosyon ng pampang ng ginawang kanal, at pagdami ng soil particles na nadadala ng ilog sa San Miguel bay na nagpababa sa mga nahuhuling isda dun.
Makikita sa mapa ang cut-off channels sa Canaman (pa-vertical sa unang islet na korteng sapatos, pa-diagonal sa ikalawang maliit na islet na korteng lemon) nasa pagitan ang "Libmanan" at "Magarao." Mas malapad na ang mga ito ng ilang beses sa kanal sa Gainza (pa-diagonal hanggang bottom left corner ng mapa.) Fifteen meters lang ang original na sukat nito nun pero ngayon umaabot na ito sa 70 meters.
View Larger Map
Hanggang ngayon, makalipas ang 30 taon matapos ang bilyong pisong mega-proyekto, problema pa din ang pagbaha at irigasyon sa malaking bahagi ng peninsular Bicol. Kaya naman nung 2004, binuo ang Bicol River Basin and Water Management Project (BRBWMP) na may pondong P3.736 bilyon. Thirty-five percent nito ay manggagaling sa foreign assistance habang ang 65 porsyento ay sa gobyerno. Ang proyekto ay solusyon sa naging epekto ng ginawang "solusyon" sa problema nun. Abangan na lang natin sa 2015 kung maa-"outwit, outplay, outsmart" na natin ang nature this time. Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa 2010.
Mientras tanto, ang Survivor Philippines, sa September 15 na! At congrats kay Lav Diaz, isang Maranaw, sa pagkakapanalo ng kanyang 8-oras na pelikulang Melancholia ng Best Feature Film sa Orizzonti Section ng 65th Venice International Film Festival. Last year, nabigyan ng Special Mention award ang 9-oras nyang pelikulang Kagadanan Sa Banwaan Nin Mga Engkanto (Death in the Land of Enkantos) na nagpapakita ng kamatayan at paghihirap ng Bicol region matapos ang malakas na bagyo.
2 comments:
very informative ni vin ah dae ko ni aram...
Nabasa ko sa entry kan Gainza, Camarines Sur sa English Wikipedia, igwang palan plano Si Fr. Gainza na kaagan channel an banwaan hanggan Pasacao. Alagad dai nadagos ta nagadan na siya. Segun ini sa contributor duman sa Wikipedia.
Post a Comment