Sa bisa ng Republic Act No. 9495, iisplitin sa dalawa kapag aprubahan ng gagawing plebisito sa October ang ga-rehiyon sa laking probinsya: Quezon del Norte at Quezon del Sur. Ganap na naging batas ang bill nung September 07, 2007 matapos hindi pirmahan ng Presidente.
Mahihiwalay sa mas mayaman sa natural resources at ekonomiyang Quezon del Norte ang Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca (magiging kapitolyo ng Quezon del Sur), Lopez, Perez, Plaridel, Quezon at Tagkawayan. Kabilang sa Quezon del Norte ang Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lucban, Mauban, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Syudad ng Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at Syudad ng Lucena (kapitolyo).
May mga bentahe at disbentahe ang pag-iisplit o pagchochopchop ng isang teritoryo tulad ng isang probinsya o distrito. Dadami ang kita ng mga tagagawa ng mapa, at dadami ang pwesto sa gobyerno.
Kung hindi ako nagkakamali, ang Quezon ang natira sa crineate na Kalilaya province nung 1591 mula sa parte ng Batangas at Laguna. Naging bahagi nito ang parte ng Nueva Ecija (El Principe na Aurora na ngayon) at parte ng Laguna (La Infanta) nung 18th century. Taong 1902, pinangalanang Tayabas ang probinsya, at naging sub-province nito ang Marinduque mula Mindoro.
March 10, 1917, sa bisa ng Act No. 2711, naestablish ang probinsya at nahiwalay ang Marinduque (ganap na naging independent province nung February 21, 1920). Mula sa ngalang Tayabas, pinalitan ito ng Quezon sa onra ng ikalawang Presidente ng bansa nung September 7, 1946. Nung June 14, 1951 naging sub-province ang Aurora, at ganap na probinsya nung August 13, 1979.
Para ikumpara sa Bicol na isang probinsya lang dati nung1573, nahati-hati na ito ngayon sa anim. Inisplit ito nung 1639 sa Camarines at Ibalon (ginawang Albay nung 1663) . Heto ang interesting part, taong 1829 nang inisplit pa sa dalawa ang Camarines: sa Norte at Sur pero imimerge din ito sa ngalang Ambos Camarines (1854), paghihiwalayin (1857), pagmemergin uli (1893), at finally, hahatiin na (March 10, 1917). Kung ano man ang rason sa likod nito, hindi alam. Samantala, nacreate ang Sorsogon (October 17, 1894) mula sa Albay, ang Masbate (December 15, 1920) mula sa Sorsogon, at ang Catanduanes (October 26, 1945) sa Albay.
Balik sa Quezon (del Norte o Sur?), ang mga taga-Quezon ang mas nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa kanila.
Monday, September 15, 2008
Quezon iisplitin
Tuesday, August 26, 2008
Libre lang mangarap
Headline ng Inquirer ngayon: "Lumad" want self-rule, too
Thursday, April 24, 2008
Reapportionment ng mga distrito sa Camarines Sur
Sa ngayon, may 4 na distrito ang Camarines Sur. Base sa 2007 Census, 1,693,821 ang populasyon nito at eligible ng dalawa pang legislative districts.
Makikita sa picture ang present districts (itaas) at proposal ko sa reapportionment ng mga distrito ng probinsya (ibaba):
First District (blue) - kino-compose ng Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan (highlighted), Pamplona at Pasacao ang 1st District. Libmanan ang pinaka-centro nito na tinitirhan ng 31.67% ng 293,156 combined population ng distrito. Dati nang nasa 1st District o "River/Railroad District" ang mga nabanggit na munisipalidad.
Second District (yellow) - kino-compose ng mga munisipalidad na dati nang nasa 2nd District o "Central Bay": Calabanga (highlighted), Bombon, Magarao, Canaman at Camaligan, Cabusao (mula sa 1st District), at Siruma at Tinambac (3rd District). Calabanga ang magiging pinaka-centro nito na may populasyong 73,333 o 28.64% ng combined population ng district (256,031).
Malaki ang potensyal ng Libmanan at Calabanga na maging syudad ng probinsya sa loob ng ilang taon.
Third District (red) - umaabot na sa 160,516 ang populasyon ng Naga City (highlighted) o 59.23% ng 271,026, ang kabuuang populasyon ng posibleng distrito na binubuo ng syudad at mga kalapit na munisipalidad ng Milaor at Gainza na parte ng 2nd District, at Minalabac at San Fernando na parte ng 1st District.
Fourth District (green) - kahit na ilipat ang dalawang bayan ng kasalukuyang 3rd District o "Partido District" sa isang district, nasa 355,765 pa din ang combined population nito. Mananatiling pinaka-centro ng Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon at Sagñay ang Goa (highlighted) na may pinakamataas na populasyon sa 54,035 o halos 16% ng buong district.
Fifth District (blue) - Pili (highlighted), ang kapitolyo ng probinsya, ang isa pang bayan sa Camarines Sur na may malaking pontensyal na maging syudad. Ito ang magiging pinaka-centro ng isa pang madadagdag na distrito kabilang ang mga munisipalidad ng Ocampo (2nd District), Bula at Baao (parehong 4th District). Dito nakatira ang 76,496 o 33.15% ng 230,745 population ng magiging 5th District. Bubuuhin ang distritong ito ng mga munisipalidad na nasa gitnang bahagi ng Camarines Sur.
Sixth District (yellow) - ang Iriga City (highlighted), Buhi, Nabua, Balatan at Bato ng 4th District o "Rinconada District" ang magiging ikaanim na distrito ng probinsya. Nasa 314,580 ang combined population ng distrito kung saan 97,983 o 31.15% dito ang nasa syudad.
Maaaring ilipat ng district ang Balatan (25,982) kung hindi tatanggapin ang hindi umabot sa minimum required population ng Fifth District.
Medyo nahirapan ako sa paghati-hati para maka-create ng 6 districts dahil sa magkakaibang population at income class, at pag-consider ng road network ng municipalities.
Heto ang pagkakahati-hati ng populasyon ng Camarines Sur sa anim.