Friday, August 17, 2007

Maraming Wika, mas marami ang mabahong isda!

Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito? Hindi, ang relihiyong Katolisismo. Hindi, ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi, si Kris Aquino. Hindi, ang Wowowee. Hindi, ang balut. Hindi ang Team Pilipinas. Hindi, ang Wikang Filipino.

Ang Canaman, isa sa pinakamatandang parokya at bayan sa Bicol at may pinaka-purong diyalekto ng Bikol ayon sa isang Heswitang linggwista, ay nagdiriwang ng ika-408ng fyesta nito ngayon. Simula nung August 6, gabi-gabi ang programa sa aming plaza. Napaka-ironic ng mga programa. Wala gaanong pretty sa Pretty Boy. Iisa lang ang lumahok sa Miss Gay na mula sa Canaman at karamihan ay mula sa Naga City, may taga-Iriga City at Legazpi City pa. Kung gaano katagal nasundan ang Miss (nung 2003 yung huli) ganun din kahaba ang coronation night (dawn?) na inabot ng 6 na oras. Meron pang Little Lady of Assumption and Little Saint Roche, para naman sa mga bata, na inorganisa ng simbahan (asan ang irony dito?). Always present ang mayor para magbigay ng kanyang mensahe na iisa lang naman: Mahalaga para sa mga Canamanon ang pagiging isang komunidad, at ang “sense of community” ang nagbubuklod-buklod sa kanila noon pa man (kaya naman nung panahon ng mga Hapon, itinatag dito ang Tancong Vaca Guerilla Unit, isang hukbong bayan).

Walang maituturing na pagiging Filipino o isang Filipino bago ang taong naging ganap na bansa ang Pilipinas. Ang mga pulo ng Samar at Leyte lamang ang tinutukoy na Pilipinas sa panahon ni Ferdinand Magellan; mga kapuluan ng Luzon, Visayas, at bahagi ng Palawan at Mindanao sa panahon ng mga Kastila; at Katagalugan sa panahon ng kalayaan 1898. Ang buong kapuluan ay tinawag na Pilipinas sa mga panahon ng mga Hapon at Amerikano subalit naging makabuluhan lamang ang salitang Filipino bilang katawagan sa mga mamamayan ng buong kapuluan simula sa panahon ng kalayaan 1947 sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.

Bahagi ng paghahanda sa pagiging ganap na bansa mula sa isang Komonwelt patungo sa isang Republika, noong 1938, binuo ang National Language Institute na mag-aaral sa mga wika ng kapuluan upang pumili ng magiging batayan ng pambansang wika. Hinirang ang mga kinatawan: ng mga wika sa Samar-Leyte (chairman) at Panay, ng mga wika ng Muslim, at ng mga wikang Iluko, Sinugbuanong Bisaya, Bikol at Tagalog, ang piniling batayan kinalaunan. Naging ganap na pambansang wika ito makalipas ang dalawang taon at naging isa sa mga opisyal na wika kabilang ang Kastila at Ingles ng maging ganap na bansa ang Pilipinas o isang taon buhat ng maitatag ang United Nations.

  • Binuo ang United Nations matapos ang World War II na may hangaring makisangkot sa hidwaan ng mga bansa upang maiwasan ang digmaan. Bagamat mayroon lamang itong 51 orihinal na myembrong bansa na may iba't ibang wika, kultura at paniniwala (kabilang ang Pilipinas, Belarus, Ukraine at India na noon ay hindi ganap na malaya), lima ang opisyal na wika nito: Intsik, Ingles, Kastila, Pranses at Ruso (idinagdag ang Arabiko noong 1973 nang sumapi ang mga bansang nagsasalita nito).

Para sa bayang nagsisimulang tumayo sa sariling mga paa buhat sa pagkakalugmok ng halos apat na siglo ng pananakop ng mga dayuhan, ang pagkakapili ng iisang wika, ang katutubong wika ng mga Katipunero, mula sa mahigit 170 mga wika at diyalekto ay hindi naging magandang simulain upang pagbuklurin ang mga Filipino. Labin-isang taon ang nakalipas nang ipinakilala ang katawagang “Pilipino”, at labin-dalawang taon mula noon magpasahanggang ngayon ay “Filipino”, na tumutukoy sa pambansang wika na dahilan ng bahagyang pagtanggap dito.

  • Ang India, may mamamayang umaabot sa 1.13 bilyon, ay may 415 wika at diyalekto. Labin-dalawa dito ay opisyal: Assamese/Asomiya, Bengali/Bangla, Bodo, Dogri, Gujahari, Hindi, Kannada, Kashmiri, Konkani, Maithili, Malayam, Manipuri, Marathi, Nepali, Oriya, Punjabi, Sanskrit, Santhali, Sindhi, Tamil, Telugu at Urdu. Ang South Africa naman, may 47 milyong mamamayan, ay may 24 wika at labing-isa nito ay opisyal: Afrikaans, English, Southern Ndebele, Northern Sotho, Sotho, Swati, Tsonga, Tswanan, Venda, Xhosa at Zulu. Samantala, ang United States na may mahigit 300 milyong populasyon at may 162 wika ay wala, 0 ang opisyal na wika.

Nais mang magsarili ng mga Filipino sa Cordillera at sa Muslim Mindanao subalit hindi dahil sa di-pagkakaroon ng pantay na estado ng kanilang mga wika (Maranao, Maguindanao, Tausog, Ibaloi, Kankanaey atbp.) sa wika ng mga katutubo sa Gitna at Timong Luzon (Tagalog sa anyong Filipino) kundi sa ibang kadahilanan. Ang hayagang pagtutol ng mga Cebuano sa pambansang wikang batay sa Tagalog o hindi naisasakatuparang katuturan ng Filipino ay malayong humantong sa pagsasarili nila.

Hindi isang malaking salik sa pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan o katatagan ng isang bansa ang wika (marami man o makaunti) bagkus ang kapayapaan, kaligtasan at kalayaang tinatamasa ng nila o nito.

Para sa Bikolanong Komisyuner:

Tagalog, Sugbuanon, Iluko, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray,
Kapampangan, Panggalatok, Kinaray-A,
Maguindanao, Maranao, Tausug - Maraming wika;
Matatag na bansa!

Para sa Bikolanong ako:

Isang wikang pambansa,
batay sa Tagalog na Pilipino,
ngayo'y Filipino;
Watak-watak na nasyon?

Para kay Jose Rizal:

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda!

Ako'y Isang Pinoy ni Florante at [ako]

Ako’y isang [Bikolanong] Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay [noon] sa wikang mga banyaga [magin sa wikang pambansa]
Ako’y [Bikolanong] Pinoy na mayroong sariling wika[ng Bikol]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan

Si Gat. Jose Rizal noo’y nagwika [circa late-1800s]
Siya ay nagpangaral sa ating bansa [o bayan, kolonya ng Espanya ang Pilipinas noon] Ang hindi raw magmahal sa sariling wika [Bikol para sa mga Bikolano, Sugboanon para sa mga Cebuano atbp.] ay higit pa ang amoy sa mabahong isda [isa itong figure of speech at/o fallacy]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]

Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan

Sanggunian: Wikipedia, Ethnologue, The World Fact Book, Tagalog 101, PC Planets at Youtube.

No comments:

Pinoy Blogs

planet naga nagueño caramoan paradise bicol blogger ryan yarn bikol translator tagalog-sugbuanon translator filipino translator quackroom makuapo ni handiong hagbayon reyna elena ugat vista pinas cute agent xmoimoi beth allen II anything goes blogmeister culture shiok! fighting gravity force analytics from dallas to manila have to do this! ugh! i am sam jay bubwit jehzlau concepts digital filipino kabayan junction kegler 747 make money online with a 13-year old me myself and cha no buff no heal ofw layf blog paintsketch shamanism silkenhut's world sweet avenger the broken bow the busy indolent the walking tower windows mobile c5 rexted aileen apolo radueriel leyteño em dy stephanie caragos zubli zainordin ryan shamus ja kel daily hoop chris damsel seo andoy chrish manuel viloria blogie betshopboy jonathan phillipssorren galiza thegrapebunch lateralus this eclectic life dennis rito ww-success shari pusa david ledoux happy lizzette webbyman juned bigbad tina4life mira lei sagun samprasita gm tristan dabawenya tina deSquallie avy manila mom prudence ades blog carlocab webmasterworld nostalgiamanila grumpyurbanslacker angdabawenyo igorotblogger aethen ice9web jemme m2factorial toyomansi photowander antonisat emailedtome exskindiver ofwlayf juniorandme. fruityoaty female-gamer filipinasoul dyoselin cultureshiok bryanboy tedsfifthworld arbetloggins femalenetwork ederic.tinig.com mayenskie fighting-gravity awbholdings bikoy.net aileenapolo olympicblogger aaronroselo blog.guykawasaki myextradirtymind manuelviloria quezon.ph angloloniyo max.limpag misteryosa callcenterhopper loidadevera kiluahtech.webmo mgalaagan jaypeeonline artsyfartsy-meparisukatpinoytechblogadventuresofalionheart selaplana silkenhut philippineblogawards thecitylifestylist jhed awbholdings houseonahill tinysigns utakgago welysabalilag yugatech 365 nirmaltv acowboyswife askreamaor bethallenii journal.cyberpartygal bobbarama brainybimbo dailyfilmdose eastcoastlife softhub mycrapsheet iphonejtag hastalosgatos humabpost. idiotbrain lifeinthefastlane mashable wackymom nazmieski pointless-drivelpostsecretevnucci ryanshamus storyblob techtreak therisingblogger wulffmorgenthaler scobleizer aceswebworld billiardpulse poolassassin evilwoobiesjkmanalo bang-sweetbites fjordan allego the philosophical bastard noemi agent grey liff johnny ross blogbastic peachy joanpinon theprizeblog problogger wolf-howl performancing jensense johnchow clickz kegler747 tutubipatrol triptayoourawesomeplanetsidetrip iloiloonfoot
Proudly Pinoy Bicol Blog Community