Kung orágon ang description sa anghang ng sili at kredibilidad ng isang Bikolano, magayón naman ang para sa perpektong hugis ng Mayon Volcano at kagandahan ng isang dalagang Bikolana. Dito galing ang pangalan ng Mayon volcano, ang isa sa mga simbolo ng rehiyon, na nangangahulugan "maganda".
Ginanap nitong buwan ng April sa probinsya ng Albay ang Magayon Festival na nagtapos sa Festival of Festivals Showdown, isang regionwide street dancing competition ng iba't ibang festivals mula sa 6 probinsya at 6 syudad sa Bicol. Lapay Festival ng Masbate City ang nagchampion.
Pictures ni: marbleplaty
Tuesday, April 29, 2008
Magayon
Monday, April 28, 2008
Vista Pinas: Iriga City
Philtranco Transport Heritage Museum
Makikita sa Iriga City ang museum ng Philtranco, dating ALATCO (Albert Louis Ammen Transportation Company), ang first at oldest bus company sa Pilipinas. Byaheng Iriga-Naga ang kauna-unahang rota nito nung July 1914.
Sunday, April 27, 2008
Vista Pinas: Camarines Sur
Vista Pinas ang isa sa mga blogs na regular kong binibisita. Finifeature dito ang iba't ibang Filipino sights gamit ang satellite images ng Google Maps. Although nung 2006 pa sinimulan ang blog na ito at madami na ding lugar na may high resolution sa Bicol, 3 pa lang ang naififeature ni Eugene: Cagsawa Ruins, Lignon hill at Albay Park and Wildlife, lahat sa probinsya ng Albay.
Inask ko sya na ifeature ang Lahuy Island, (ang akala ko, ito yung location ng French Survivor na Koh Lanta) at wiling naman sya. Heto ang ibang sights sa Bicol na pwedeng makadagdag sa koleksyon nya:
Gota Beach, Caramoan - location ng Survivor
Makikita sa picture ang beach sa Matukad Island (ang pinakamalaking isla sa mapa).
Our Lady of Peace sa Mt. Caglago, Caramoan
May 525 steps bago ka makarating sa shrine sa tuktok.
Sabah Claim at Pullout ng Malaysian peacekeepers sa Mindanao
Hindi nababanggit sa pending na Baseline Bill ang Sabah, ang isa pang teritoryong kini-claim ng Pilipinas. Ngayong Lunes, may ifa-file si Rep. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na alternative bill at resolution na nagre-revive sa claim ng Pilipinas sa Sabah. May kinalaman kaya ito sa pag-pullout ng Malaysia bilang parte ng International Monitoring Team (IMT) sa peace talks ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao? Ang pagiging impatient ng Malaysia, na may pinakamalaking contigent sa IMT, ang dahilan sa pag-alis ng unang batch ng Malaysian troops sa May at ng iba pa sa mga susunod buwan.
Good news ito sa China.
