Sa bisa ng Republic Act No. 9495, iisplitin sa dalawa kapag aprubahan ng gagawing plebisito sa October ang ga-rehiyon sa laking probinsya: Quezon del Norte at Quezon del Sur. Ganap na naging batas ang bill nung September 07, 2007 matapos hindi pirmahan ng Presidente.
Mahihiwalay sa mas mayaman sa natural resources at ekonomiyang Quezon del Norte ang Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca (magiging kapitolyo ng Quezon del Sur), Lopez, Perez, Plaridel, Quezon at Tagkawayan. Kabilang sa Quezon del Norte ang Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lucban, Mauban, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Syudad ng Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at Syudad ng Lucena (kapitolyo).
May mga bentahe at disbentahe ang pag-iisplit o pagchochopchop ng isang teritoryo tulad ng isang probinsya o distrito. Dadami ang kita ng mga tagagawa ng mapa, at dadami ang pwesto sa gobyerno.
Kung hindi ako nagkakamali, ang Quezon ang natira sa crineate na Kalilaya province nung 1591 mula sa parte ng Batangas at Laguna. Naging bahagi nito ang parte ng Nueva Ecija (El Principe na Aurora na ngayon) at parte ng Laguna (La Infanta) nung 18th century. Taong 1902, pinangalanang Tayabas ang probinsya, at naging sub-province nito ang Marinduque mula Mindoro.
March 10, 1917, sa bisa ng Act No. 2711, naestablish ang probinsya at nahiwalay ang Marinduque (ganap na naging independent province nung February 21, 1920). Mula sa ngalang Tayabas, pinalitan ito ng Quezon sa onra ng ikalawang Presidente ng bansa nung September 7, 1946. Nung June 14, 1951 naging sub-province ang Aurora, at ganap na probinsya nung August 13, 1979.
Para ikumpara sa Bicol na isang probinsya lang dati nung1573, nahati-hati na ito ngayon sa anim. Inisplit ito nung 1639 sa Camarines at Ibalon (ginawang Albay nung 1663) . Heto ang interesting part, taong 1829 nang inisplit pa sa dalawa ang Camarines: sa Norte at Sur pero imimerge din ito sa ngalang Ambos Camarines (1854), paghihiwalayin (1857), pagmemergin uli (1893), at finally, hahatiin na (March 10, 1917). Kung ano man ang rason sa likod nito, hindi alam. Samantala, nacreate ang Sorsogon (October 17, 1894) mula sa Albay, ang Masbate (December 15, 1920) mula sa Sorsogon, at ang Catanduanes (October 26, 1945) sa Albay.
Balik sa Quezon (del Norte o Sur?), ang mga taga-Quezon ang mas nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa kanila.