Sa bisa ng Republic Act No. 9495, iisplitin sa dalawa kapag aprubahan ng gagawing plebisito sa October ang ga-rehiyon sa laking probinsya: Quezon del Norte at Quezon del Sur. Ganap na naging batas ang bill nung September 07, 2007 matapos hindi pirmahan ng Presidente.
Mahihiwalay sa mas mayaman sa natural resources at ekonomiyang Quezon del Norte ang Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca (magiging kapitolyo ng Quezon del Sur), Lopez, Perez, Plaridel, Quezon at Tagkawayan. Kabilang sa Quezon del Norte ang Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lucban, Mauban, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Syudad ng Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at Syudad ng Lucena (kapitolyo).
May mga bentahe at disbentahe ang pag-iisplit o pagchochopchop ng isang teritoryo tulad ng isang probinsya o distrito. Dadami ang kita ng mga tagagawa ng mapa, at dadami ang pwesto sa gobyerno.
Kung hindi ako nagkakamali, ang Quezon ang natira sa crineate na Kalilaya province nung 1591 mula sa parte ng Batangas at Laguna. Naging bahagi nito ang parte ng Nueva Ecija (El Principe na Aurora na ngayon) at parte ng Laguna (La Infanta) nung 18th century. Taong 1902, pinangalanang Tayabas ang probinsya, at naging sub-province nito ang Marinduque mula Mindoro.
March 10, 1917, sa bisa ng Act No. 2711, naestablish ang probinsya at nahiwalay ang Marinduque (ganap na naging independent province nung February 21, 1920). Mula sa ngalang Tayabas, pinalitan ito ng Quezon sa onra ng ikalawang Presidente ng bansa nung September 7, 1946. Nung June 14, 1951 naging sub-province ang Aurora, at ganap na probinsya nung August 13, 1979.
Para ikumpara sa Bicol na isang probinsya lang dati nung1573, nahati-hati na ito ngayon sa anim. Inisplit ito nung 1639 sa Camarines at Ibalon (ginawang Albay nung 1663) . Heto ang interesting part, taong 1829 nang inisplit pa sa dalawa ang Camarines: sa Norte at Sur pero imimerge din ito sa ngalang Ambos Camarines (1854), paghihiwalayin (1857), pagmemergin uli (1893), at finally, hahatiin na (March 10, 1917). Kung ano man ang rason sa likod nito, hindi alam. Samantala, nacreate ang Sorsogon (October 17, 1894) mula sa Albay, ang Masbate (December 15, 1920) mula sa Sorsogon, at ang Catanduanes (October 26, 1945) sa Albay.
Balik sa Quezon (del Norte o Sur?), ang mga taga-Quezon ang mas nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa kanila.
Monday, September 15, 2008
Quezon iisplitin
Sunday, September 14, 2008
Si Laarni nga!
Si Laarni Lozala nga ang dineclare na Grand Star Dream ng Pinoy Dream Academy Season 2. Nakakuha sya ng pinakamaraming text votes, 651,696 o 35.21% ng kabuuang tally ng mga boto. Sumunod ang susunod na Nora Aunor na may 549,716 text votes o 29.7%, si Bugoy Bogayan, at ang dating magiging kauna-unahang Philippine Idol na may 253,412 text votes o 13.69%, si Miguel Mendoza.
Base sa mga pumapasok na boto bago ang announcement, ang prediction ko: Laarni-Bugoy (dahil sa talento at istorya) para sa una at ikalawang pwesto, Miguel (Mr. C minus talento)-Van (Direk minus talento)-Liezel (talento minus istorya) para sa ikatlo hanggang ikalima, at Cris (swerte) last.
Pumang-apat ang 5-time Star scholar at ang sumunod sa mga yapak ni Charice Pempengco, si Liezel Garcia (247,346 o 13.36%), habang panglima si Van Roxas (113,065 o 6.06%) , at syempre, pang-anim si Cris Pastor (36,487 o 1.97%).
Tuesday, September 9, 2008
Nuffnang PH mo!
"Good enough" ang ibig sabihin ng salitang nuffnang sa Jafaican o Jafaikan, isang diyalekto ng English sa London na ginagamit ng mga yuppies. Ang iba pang halimbawa ng mga salitang Jafaican:
- yard - bahay (galing ito sa “back yard”)
- blad/bredren/bruv - barkada (mula sa “blood” brother)
- yute - kabataan (mula sa “youth”)
- ends - kumunidad, lugar
- buff - maganda/gwapo
- sick - mabuti
- deep - bastos
- begging - nagsasalita nang walang saysay
- jamming - tumatambay
- hype - ma-excite
- chat - kumontra sa sinasabi
- bare - madami (galing sa "very")
Kelan lang, nilaunch ang Nuffnang Philippines na dati para lang sa mga Malaysian at Singaporean. Magbibigay sila P500 credit sa 68 blogistang Pinoy o Nuffnangers na magbibigay ng suggestions at comments. Hanggang September 30, 2008 lang ito kaya magregister na. It’s easy to sign-up at Nuffnang, you just have to go to their site and click the sign-up online, and registration can be processed in 48 hours.
What I like most about Nuffnang Philippines is that everybody who signs up with Nuffnang joins an exclusive community!!! And Exclusive Nuffnangers, bloggers who have NO advertisements from any other ad network that originates from South East Asia on their blog, get 70% of prizes of every Contest while only 30% to non-Exclusive.
Linklove! Jehzlau-Concepts, FlairCandy, TechAtHand, Ganday, PinoyAmbisyoso, PinoyTek, PinoySportsBlogger, LessonKo, Nimrodel, Sugar-Princess, PinoyLottoWinner, ManuelViloria, PinoyWebSurfer, WaysToMakeMoneyOnline, OurDailyBlog, StudentAthlete, RandomDetoxification, MakeMoneyOnlineWithRhyanDotNet, TheJourneyofMacappleBoy, BryanBoy, TimothyTiah, Quingdom, GetALife, MakeMonyOnlineWhileSleeping, TooMuchTV, BossMing, NuffnangMalaysia, Viloria, ShoopingFinds, Humsurfer, Technobiography, Xerafhica, PinoyProBlogger, Dimla, Nelman, MyColorfulWorld, TheRoyalSpeaker, OnlineAdvertiser, Micamyx, Relativity, TreasureBox, Eligio, Abinesh, PHSellersCorner, Innit, NewGadgets, Chuvaness, BusinessBlog, VantagePoint, DukeWard, Ah!, AConnectedLife, OnMyOwn, CashLoans, JessicasBlog, FlairCandy, Negaraku, ParallelUniverse, TheAkashicFieldChronicle, PinoyTek, MuderHeWrote, Evolvol, Joana, MyTaintedWorld, PanduanEBAYBahasaMalaysia, ANovelAStory, JanetBates, Rozzane, LivePerformance, JeffreyTanggau, SimplySparked, Nagueno, SpliceAndDice, Mensab, ShayDelgado, RenneGumba, Aponihandiong, Santigwar, Hagbayon, Balangibog, Marnek, Karitela, Sentimental, ZoneForNone Zigred
Porsil: ICE TUBIG
Out na ang softdrinks at samalamig! Ito na ngayon ang nangungunang pamatid-uhaw ng mga Pilipino. Pero pati ice tubig, nagprice increase na din. Mula piso, ngayon P2.00 na ang bawat isa nito. Meron ding mangilan-ilang bumebenta sa presyong P1.50 sa tindi ng kompetisyon.
Monday, September 8, 2008
Don't mess with Inang Kalikasan
Pagbaha ang kinokonsider na isa sa mga pangunahing hadlang sa debelopment ng Bicol region. Maraming mga munisipalidad ang lumulubog, properties ang nadadamage, mga pananim ang nabubulok, at mga buhay ang nabubuwis sa pag-overflow ng ilog.
Para masolusyunan ang problema, nung 1970s crineate ang Bicol River Basin Development Project (BRBDP) na may pondong P1.5 bilyon mula sa USAID. Kumonstruct ng cut-off channels sa Canaman at Gainza, Camarines Sur para mapabilis ang pagbuhos ng baha palabas sa San Miguel bay. Pinakialaman ang natural na daloy ng ilog. Pazigzag-zigzag kasi ang course ng Bicol river kaya mabagal ang paglabas ng tubig. Matapos ang proyekto nung 1980s, malaki ang naging epekto nito: ang pagkaka-isolate ng ilang barangay dahil sa pagkaka-create ng islets sa ilog, pagpasok ng tubig dagat sa mga palayan, erosyon ng pampang ng ginawang kanal, at pagdami ng soil particles na nadadala ng ilog sa San Miguel bay na nagpababa sa mga nahuhuling isda dun.
Makikita sa mapa ang cut-off channels sa Canaman (pa-vertical sa unang islet na korteng sapatos, pa-diagonal sa ikalawang maliit na islet na korteng lemon) nasa pagitan ang "Libmanan" at "Magarao." Mas malapad na ang mga ito ng ilang beses sa kanal sa Gainza (pa-diagonal hanggang bottom left corner ng mapa.) Fifteen meters lang ang original na sukat nito nun pero ngayon umaabot na ito sa 70 meters.
View Larger Map
Hanggang ngayon, makalipas ang 30 taon matapos ang bilyong pisong mega-proyekto, problema pa din ang pagbaha at irigasyon sa malaking bahagi ng peninsular Bicol. Kaya naman nung 2004, binuo ang Bicol River Basin and Water Management Project (BRBWMP) na may pondong P3.736 bilyon. Thirty-five percent nito ay manggagaling sa foreign assistance habang ang 65 porsyento ay sa gobyerno. Ang proyekto ay solusyon sa naging epekto ng ginawang "solusyon" sa problema nun. Abangan na lang natin sa 2015 kung maa-"outwit, outplay, outsmart" na natin ang nature this time. Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa 2010.
Mientras tanto, ang Survivor Philippines, sa September 15 na! At congrats kay Lav Diaz, isang Maranaw, sa pagkakapanalo ng kanyang 8-oras na pelikulang Melancholia ng Best Feature Film sa Orizzonti Section ng 65th Venice International Film Festival. Last year, nabigyan ng Special Mention award ang 9-oras nyang pelikulang Kagadanan Sa Banwaan Nin Mga Engkanto (Death in the Land of Enkantos) na nagpapakita ng kamatayan at paghihirap ng Bicol region matapos ang malakas na bagyo.
Saturday, September 6, 2008
Ika-1000 artikulo para sa Bikol Wikipedia
Naka-1000 artikulo na ang Bikol Wikipedia sa pagkaka-create ng tamboan na artikulong Apolonio Sto. Tomas, isang Bikolanong writer, orator at ang author ng Macauiuiling Caaguihan can Ladauan ni Nuestra Señora de Peña Francia.
Sino ang mag-aakalang magkakatuluyan ang apo ni Apolonio at apo sa half-brother ni Mariano?
Si Dato at ang Dayo
Bilyon-bilyong regalo ang dinala ni CamSur Rep. Dato Arroyo sa kanyang distrito sa ika-34 birthday nya nung Thursday: $28 milyon para sa isang biomass power plant (BPP) sa Minalabac, P129 milyon para sa Bicol River Basin and Water Management Project (BRBWMP) , P800 milyon para sa Libmanan-Canaman bridge, P700 milyon para sa Libmanan-Cabusao irrigation at dam, P600 milyon para sa embankment at flood gates sa Bicol River sa Libmanan at Cabusao, at P1 milyon para sa communication system ng Bicol Sanitarium sa Cabusao.
Mapapanood na sa December ang kauna-unahang all-digital full-length animated feature film sa Pilipinas, ang "Dayo". Heto ang patikim: